PUMALO sa $2.3 billion ang cash remittances mula sa overseas Filipinos noong Nobyembre ng nakaraang taon, mas mataas ng 2.8 percent kumpara sa kaparehong buwan noong 2017, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Dahil dito ay umabot ang total cash remittances sa January-November period sa $26.1 billion, mas mataas ng 3.1 percent sa naitala sa kahalintulad na panahon noong 2017.
Ayon sa BSP, malaking halaga ng cash remittances sa unang 11 buwan ay nagmula sa Estados Unidos, Saudi Arabia, UAE, Singapore, Japan, United Kingdom, Qatar, Canada, Germany at Hong Kong.
Samantala, ang personal remittances, na kinabibilangan ng cash at non-cash items, ay tumaas ng 2.4 percent sa $2.6 billion noong Nobyembre. Dahil dito ay pumalo ang kabuuan mula Enero hanggang Nobyembre sa $29.1 billion, mas mataas ng 2.9 per-cent kumpara sa kaparehong panahon noong 2017.
Ang Filipinas ay isa sa pinakamalaking tumatanggap ng remittances sa mundo, na nagpapalakas sa power domestic consump-tion at nagtutulak sa paglago ng ekonomiya.
Sa datos ng central bank, ang personal remittances ay bumuhos sa ikatlong sunod na buwan.
“The growth in personal remittances during the first eleven months of 2018 was supported by remit-tance inflows from land-based overseas Filipinos (OFs) with work contracts of one year or more,” sabi pa ng BSP.
Comments are closed.