BUMAGSAK ang remittances sa four-month low noong Marso dahil sa pagliit pa ng bilang ng mga Pinoy na ipinadala sa ibang bansa sa naturang buwan, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa datos na ipinalabas ng BSP, ang cash remittances — money transfers na ipinadaan sa mga bangko — ay may kabuuang $2.397 billion noong Marso, ang pinakamababa magmula nang maitala ang $2.372 billion noong Nobyembre ng nakaraang taon.
“The decline in cash remittances in March was largely due to the lesser number of Filipinos deployed overseas in the first three months of 2020 relative to the comparable level last year,” sabi ng central bank.
Karamihan sa mga bansang nagtala ng pagbaba sa cash remittances ay oil producing countries tulad ng Saudi Arabia, United Arab Emirates, at Kuwait.
Ang United States ang may pinakamalaking parte sa overall remittances na may 39%, sumusunod ang Singapore, Saudi Arabia, Japan, United Kingdom, United Arab Emirates, Qatar, Canada, Hong Kong, at Korea.
“The combined remittances from these countries accounted for 79.1% of total cash remittances,” sabi pa ng BSP.
Ayon pa sa datos ng central bank, ang personal remittances — ang kabuuan ng transfers na ipinadala ng cash o in-kind via informal channels — ay nasa $2.652 billion noong Marso
Ito ang pinakamababa sa loob ng apat na buwan magmula nang maitala ang personal remittances sa $2.639 billion noong Nobyembre 2019.
Year-to-date, ang personal remittances ay tumaas ng 1.5% sa $8.218 billion habang ang cash remittanc-es ay lumago ng 1.4% sa $7.403 billion.
Comments are closed.