PASAY CITY – NAIS ni Senador Lito Lapid na magtatag ng mga overseas Filipino worker (OFW) Family Help Desks sa bawat lokal na pamahalaan sa buong bansa.
Ito ang isusulong ni Lapid sa inihain nitong panukala na titiyakin ng help-desks na mapapabilis at mapadadali ang basic social services para sa mga pamilya ng mga OFW.
Anang senador, bukod sa mga pangunahing serbisyo ay maaari rin na magbigay ng business counselling at livelihood opportunities ang itatatag na help desk.
Batay sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), pumapalo na sa 2.3 million na mga Pinoy ang nagtatrabaho sa ibang bansa mula Abril hanggang Setyembre ng taong 2018.
Sa ilalim pa ng panukala, kailangang magkaroon ng updated database ang bawat LGUs ng mga OFW at maging ng mga overseas job order at licensed recruitment agencies sa kanilang mga nasasakupang lugar. VICKY CERVALES
Comments are closed.