Ang mga OFW ay kinikilalang mga Bagong Bayani. Dahil sa kanilang patuloy na pagdaloy ng mga dolyares sa ating bansa, ang mga OFW ay tumulong sa pagpapalakas ng ating ekonomiya. Ngunit ang pasakit ng milyun-milyung mga OFW at ang kanilang mga pamilya ay nagpapatuloy habang ang kanilang bilang ay lumalaki.
Kaya sino ang sasaklolo sa ating mga OFW?
Ang OFW FAMILY PARTY LIST, numero 127 sa balota ay ang pangunahing tagapagtaguyod ng mga OFW at ang kanilang pamilya. Ito ay itinatag noong 2001 bilang isang NGO ng dating Ambassador Roy Señeres na nakilala sa buong mundo sa kaniyang pagligtas kay Sarah Balabagan mula sa hatol ng kamatayan sa United Arab Emirates (UAE) at marami pang ibang OFW na nailagay sa panganib.
Sa mahigit na 20 taon, ang OFW FAMILY ay naglingkod sa mga OFW at pamilya para sa kanilang kapakanan at tulong legal, kabuhayan, suporta at iba pang serbisiyo at benepisiyo.
Noong 2013, ang OFW FAMILY ay narehistro bilang isang Party-List at nahalal sa unang pagkakataon. Sa pangangatawan ni Amba Roy Señeres, ang mga OFW ay nabigyan ng tunay na tinig sa Kongreso.
Noong 2019, ang OFW FAMILY Party-List ay muling nabigyan ng pagkakataong kumatawan sa mga OFW at kanilang pamilya sa Kongreso at kasama sa makabuluhang tagumpay nito sa ika-18 na Kongreso ay ang makasama sa mga nagmungkahe ng Republic Act No. 116411 na nagtatag ng Department of Migrant Workers na siyang bubuo ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan na ang pakay ay magprotekta at maglingkod sa mga OFW sa ilalim ng nag-iisang gusali.
Ngayong Mayo 9, 2022, ang OFW FAMILY Party-List ay muling tumatakbo upang muling maihalal. Ang pangunahing nominado nito na si Roy Señeres, Jr. ay nanguna sa pagtutugon sa mga OFW bilang Presidente at CEO ng OFW FAMILY at nainindigang magpapatuloy sa mga ipinaglalaban na sinimulan ng kaniyang yumaong ama.
Isinusulong ng OFW FAMILY ang pagpapalakas ng kaayusan at pag-iingat sa mga OFW sa bawat yugto ng kani-kanilang pakikipag-sapalaran. Mula proteksyon hanggang paglalaban sa mga illegal recruitment at sa pagdadagdag ng pondo para sa tulong legal, hanggang sa mabilisan at matagalang serbisiyo at benepisiyo para sa kanilang pagbabalik.
Para sa karagdagan detalye sa mga plataporma at mga naisakatuparang programa ng OFW FAMILY PARTY-List, bisitahin lamang ang facebook.com/ofwfamilypl
OFW FAMILY Party List, numero 127 sa balota – Saklolo sa OFWs, Kalinga sa PAMILYA.