IPINANUKALA sa Kamara ang pagtatatag ng OFW Hospital hindi lamang sa National Capital Region kundi sa lahat ng mga probinsiya sa buong bansa.
Inihain nina CIBAC Partylist Reps. Bro. Eddie Villanueva at Domeng Rivera ang Bagong Bayaning Filipino Hospital Bill na layong magtayo ng ospital na para lamang sa mga OFW at kanilang dependents.
Giit ni Villanueva, nararapat lamang ang pagbibigay ng espesyal na benepisyo sa mga OFW na malaki ang naibibigay na kontribusyon sa pag-unlad ng ekonomiya ngunit hindi masyadong nabibigyang halaga ang kapakanan, lalo na sa pagkakaroon ng access sa quality health care.
Pahayag ni Rivera na nahaharap din sa iba’t ibang sakit sa kanilang mga trabaho sa abroad ang mga modern-day hero na OFWs kaya nararapat lamang na kapag umuwi ang mga ito ng bansa ay maibibigay ang nararapat na pangangalaga sa kanila.
Sa mga pag-aaral ng Overseas Worker Welfare Association (OWWA)-Davao, lumalabas na ang karaniwang sakit ng mga OFW ay hypertension, heart attack, breast at ovarian cancers. CONDE BATAC
Comments are closed.