BUKING ang iligal na balak ng isang babae na nais umanong magtrabaho sa ibang bansa makaraang mahuli ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa pekeng passport at stamp sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, Pasay City.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, ang biktima ay isang 32-annyos babae ay pasakay ng Cebu Pacific Airlines flight biyaheng Vietnam pero hindi siya nakalusot sa BI’ sa primary inspection.
Sinabi ng biktima na kabilang ang Thailand sa plano nitong puntahan pagkatapos ang pagtigil nito sa Vietnam, habang plano rin umano nitong mag-apply ng entry visa upang magtrabaho umano sa Egypt na umanoy mabilis ang proseso.
Hiningan umano ng recruiter ang biktima ng P65,000 para sa counterfeit stamp para sa kanyang pag-alis pero bumaba sa P30,000.
Base sa forensic analysis ng BI document laboratory peke ang ipinakita ng biktima.
PAUL ROLDAN