OFW INARESTO SA BOMB JOKE

arrested bomb jokes

PASAY CITY – NAGAMBALA ang pakikipagkita ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa kaniyang pamilya nang arestuhin ito ng PNP-Aviation Security Group sa Ninoy Aquino International Airport makaraang ireklamo ng  flight stewardess na nanakot na pasasabugin ang ­eroplano.

Kinilala ang  inaresto na si Alvin Malimban, 44-anyos,  nagtatrabaho sa  Riyadh, Saudi Arabia.

Lulan ng PAL flight PR 665 galing Saudi Arabia pauwi sa Filipinas si Malimban nang humingi ng red wine sa flight attendant na si Marissa Galvez.

Pinagbigyan ni Galvez ng dalawang beses si Malimban subalit sa ikatlong hirit nito sa alak ay hindi na.

Gayunman, iginiit ng OFW ang paghingi ng alak at sinundan sa kusina ng eroplano ang flight attendant  ngunit pinigilan  na ito ng mga airline crew.

Dahil sa kabiguang makainom at nagsisigaw na kaniyang pasasabugin ang eroplano.

Paglapag ng eroplano ay ikinulong si Malimban sa Airport Police Headquarter, at sasampahan ng mga kasong unjust vexation, alarm scandal at bomb joke. FROI MORALLOS

Comments are closed.