OFW LOUNGE BUBUKSAN SA NAIA TERMINAL 1

NAKATAKDANG  pasinayaan ang kauna-unahan Overseas Filipino Workers (OFW) lounge sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1, ayon kay Overseas Workers Welfare (OWWA) Administrator Arnel Ignacio.

Ang OWWA lounge ay matatagpuan sa ikaapat na palapag sa departure area ng NAIA terminal 1.

Ito ay magagamit ng mga departing overseas Filipino workers (OFWs), habang naghihintay ng kani-kanilang mga flight.

Ayon kay Ignacio, libreng gamitin ang lahat ng mga pasilidad sa loob ng lounge, at nakaprogrma na rin sa OWWA ang isa pang OFW lounge sa NAIA terminal 3 sa January 2024.

Batay sa impormasyon, ang lounge facilities ay kinabibilangan ng malaking sofa, free wi-fi access, phone charging area, power outlets na siyang magagamit ng mga ito habang naghihintay ng kanilang flight.

At mayroon din nakaantabay na mga tauhan ng pamahalaan na tutulong sa mga impormasyon sa pupuntahang lugar. FROILAN MORALLOS