OFW NA-COMATOSE SA MACAU NAIUWI NA

Comatose

LA UNION – NASA piling na ng kaniyang pamilya ang overseas Filipino worker (OFW) na na-comatose sa Macau.

Sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Agosto 29 nang makauwi sa Filipinas ang tubong-La Union na Pinay na na-comatose noong Abril at mula noon ay nakaratay na sa isang ospital sa Macau.

Ang anak umano ng Pinay, na isa ring OFW sa Macau, ang lumapit sa konsulado ng Filipinas doon para humingi ng tulong.

Kaagad naman kumilos ang mga kinauukulang ahensiya upang alamin ang kalagayan ng Pinay saka inasikaso ang repatriation ng pasyente.

Pinasalamatan naman ni Philippine Consul General to Macau Lilybeth R. Deapera ang mga doktor at nurse ng San Teng Hospital na tumulong sa Pinay habang naka-confine ito. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.