OFW NA MINAMALTRATO NG EMPLOYER NAGPASAKLOKO SA POLO-OWWA

OWWA

QUIRINO – HUMINGI ng tulong ang  pamilya ng isang overseas Filipino wor­ker (OFW)  sa Philippine Overseas Labor Office at Overseas Worker Welfare Administration (POLO-OWWA) dahil sa umano’y hindi magandang trato ng kaniyang mga nagiging amo sa bansang Riyadh Saudi Arabia.

Ang OFW na si Liezel Domingo Artates, 31, na residente ng Barangay Magsaysay, Saguday, Quirino, ay nananawagan lalo na kay ­Pangulong Rodrigo Roa ­Duterte na siya ay tulungang maka­uwi dito sa Filipinas dahil labis na siya umanong nag-aalala sa kanyang kaligtasan.

Ayon kay Jerry Bern Layco, ng Rizal Saguday Quirino na kasalukuyang nagtratrabaho sa Riyadh Saudi Arabia bilang chocolate designer, siya ay ­hiningan ng tulong ng biktima, upang ipaalam sa pamunuan ng POLO at OWWA na iligtas sa mga amo si Artates na hindi maganda ang trato sa kanya.

Magugunitang si Artates ay isang taon na sa Saudi Arabia bilang domestic helper at anim na beses nang pinagpasa-pasahan ng iba’t ibang amo at hindi pa umano  ­naibibigay ang kanyang pinaglilikurang sahod.

Hindi na umano ito nakakakain at nakakatulog nang maayos dahil sa pagbabanta ng kaniyang mga nagiging amo na ipakukulong sa oras na magsumbong at bukod pa rito ay madalas na ipinakikita pa raw ng anak na lalaki ng kanyang amo ang ari nito sa kanya.

Nakikipag-ugnayan na rin ang POLO-OWWA sa amo ni Artates at kung hindi makikipagtulungan ay handa ang ahensya na puwersahang kunin ang biktima kasama ng mga pulis, upang maiuwi na ang biktima sa kanyang pamilya.     IRENE GONZALES

3 thoughts on “OFW NA MINAMALTRATO NG EMPLOYER NAGPASAKLOKO SA POLO-OWWA”

  1. Imagine that you are already as part of your student days to weeks in addition to breast implants in destin florida continue to an individual can’t look for a night out. And even wondering an individual for just a time is usually a misery for yourself. In other words, you get the idea challenging to be able to approach adult females as well as lacks self-assurance around by yourself.

Comments are closed.