DUMATING sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2 ang isang overseas Filipino worker (OFW) matapos mapawalang sala sa kasong murder na kanyang kinasangkutan sa Saudi Arabia.
Si Rose Policarpio Dacanay, 31 anyos ay tubong Pateros, Metro Manila, at nakulong ng pitong taon sa Saudi makaraang idawit sa pagpatay sa kanyang amo noong June 2013.
Batay sa impormasyon, si Dacanay ay naaresto noong February 2015, at hindi niya inaasahan na makakalabas siya sa kulungan gayong kandidato pa siya sa death row.
Ngunit pinawalang sala siya ng korte sa Saudi noong 2018 sa tulong ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni Adnan Alonto, Philippine Ambassador ng Saudi Arabia at mga staff nito.
Si Dacanay ay nagtrabaho bilang kasambahay sa Saudi nang tangkain siyang pagsamantalahan ng kanyang amo.
Naging emosyonal naman si Rose pagdating sa airport dahil hindi niya inaasahan na makakauwi siya sa kanyang pamilya, at malaki ang kanyang pasasalamat kay Pangulong Duterte, sa kanyang pagkakaligtas sa kamatayan. FROI MORALLOS
Comments are closed.