OFW NA NAGDA-DIALYSIS HINOLDAP SA KANYANG PINAPASUKAN

SAUDI ARABIA

SAUDI ARABIA – NAGPASAKLOLO ang isang overseas Filipino worker nang maholdap ito sa loob mismo ng kaniyang pinapasukang establisimiyento sa bansang ito.

Sa salaysay ni Michael Arsolacia, nasa trabaho siya nang pumasok ang suspek na nagpanggap na may irereklamo.

Habang kinakausap niya ang suspek ay bigla na lang siyang tinutukan ng kutsilyo saka inagaw ang bag niya na naglalaman ng P30,000 na pera ng shop at personal money, gayundin ang kanyang iqama o residence permit at ang kaniyang insurance.

Nakita naman sa closed-circuit television na hinabol pa ni Arsolacia ang tumakas na suspek.

Dagdag pa ng OFW, may kasabwat ang lalaki na dalawang iba pa na nagsilbing lookout sa gusaling kanyang pinapasukan.

Pinayuhan naman Department of Foreign Affairs (DFA) ang OFW na dumulog sa Philippine Embassy sa Saudi Arabia  para tulungan siyang makapagsampa ng reklamo.

Tiniyak naman ng Department of Labor and Employment na tutulungan si Arsolacia na nagda-dialysis na rin dahil sa sakit nito. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.