OFW NA NAGING ENTREPRENEUR PINARANGALAN

PINARANGALAN si Venus Emperado Apas bilang Modern-Day Renaissance Woman in Business Management and Leadership ng Netizen’s Best Choice Awards na ginanap sa Okada Grand Ballroom.

Hindi naging hadlang kay Venus kahit hindi nakapasok ang Ipa Tupad partylist sa Kongreso para ipapatuloy ang kanyang advocacy na makatulong sa marami kababayang kapos at salat sa kanilang pamumuhay.

Kasama niyang pinarangalan ang kanyang anak na si Roven Zeil Apas at kapatid na si Gielito Emperado na siya namang namamahala ng kanilang family-owned business na IC Construction, Inc.

Isang successful entrepreneur si Venus na isa ring government policy and program consultant.

Mula sa kanyang successful stint as a businesswoman sa Singapore ay bumalik siya ng Pilipinas para dito magtayo ng negosyo at gamitin ang kanyang natapos sa Nanyang Technological University sa Singapore.

Sa tagal nang kanyang pagiging consultant sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno ay namulat ang mga mata ni Ms. Venus sa samu’t-saring problema na kinahaharap ng ating bansa.

Nais niyang maibahagi ang kanyang tagumpay sa ating mga kababayan lalo na ang mga OFWs na malapit sa kanyang puso.

LIZA SORIANO