OFW NA NAGSINUNGALING SA EDAD HINARANG SA AIRPORT

Jaime Morente

HINARANG  ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport (CIA), Angeles City, Pampanga ang isang  overseas Filipino worker (OFW), na dinaya ang edad at  pinaniniwalaang biktima ng human trafficking syndicate.

Ayon sa report na nakarating kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente, nahuli habang nagpro-process ng kanyang departure exit sa Bureau of Immigration counter sa CIA ang hindi pinangalanang OFW.

Sinabi ni Morente, sa kabila ng imbestigasyon na isinasagawa ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, patuloy pa rin ang operasyon ng mga halang ang kauluwa, na walang awa sa mga biktima.

Batay sa impormasyon, ang biktima ay nagpakilalang 27 anyos, at magtratrabaho ito bilang domestic helper sa Saudi Arabia.

Ayon naman sa pahayag ng dalawang tauhan ng BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) ng Clark na sina Tomas David at Pedro Reynaldo III, kumpleto ng  requirements ang biktima, kabilang na ang kanyang valid passport kalakip ang employment visa, Postal ID, Tax Identification No. ID, visitors card, National Bureau of Investigation (NBI), Certificate of Muslim Filipino Tribal affiliation, TESDA Certificate, Domestic Workers Certificate at iba pang requirements.

Ngunit sa inisyal na  interview ay nadiskubre ng mga ito na ang kanyang edad ay 21 anyos taliwas sa na unang niyang sinabi na 27, at inamin nito na ipinagbilin ng isang nagngangalang Munalisa na huwag sabihin ang tunay niyang edad.

Sa kasalukuyan, ang minimum age requirements ng domestic helper na pinapayagang magtungo ng  Middle East ay hindi bababa sa 23 anyos. FROILAN MORALLOS

5 thoughts on “OFW NA NAGSINUNGALING SA EDAD HINARANG SA AIRPORT”

  1. 368620 453812An fascinating discussion is worth comment. I think that you need to write a lot more on this matter, it may possibly not be a taboo subject but normally individuals are not enough to speak on such topics. To the next. Cheers 79162

Leave a Reply

Your email address will not be published.