DUBAI, UAE – DAHIL nagpalipat-lipat ng employer, hindi matukoy kung sino ang mananagot sa pagkamatay ng isang Pinay domestic helper sa bansang ito.
Ayon sa Dubai Police, si Angel Trasadas na tubong General Santos City ay nasa kanilang kustodiya at iimbestigahan pa ang tunay na dahilan ng pagkamatay.
Nagpalipat-lipat din ito ng amo dahil minamaltrato ng umano’y naging amo.
Ayon sa isang kaanak ni Trasadas, ang pagkakaalam lang niya ay nagkaroon ng pagdurugo ang OFW.
“Ang katawan po ng nasawi ay nasa kustodiya po ng Dubai police, ng CID. At habang iniimbestigahan ng CID, inaantay po natin ang final word ng Dubai public prosecution para ma-i-release na ‘yung katawan,” sabi ni Philippine Consul General Paul Raymund Cortes.
Nagsimula umanong magtrabaho sa Dubai si Trasadas noong 2013 at nagpapalit-palit ng amo dahil umano sa pangmamaltrato.
Noong Martes ay kinumpirma ni DFA spokesperson Elmer Cato ang pagkasawi ni Trasadas subalit hindi pa umano mailalabas ang mga labi ng OFW dahil sa isinasagawang imbestigasyon ng pulisya.
Tiniyak naman niya na masusing nakikipag-ugnayan ang kinatawan ng Filipinas sa mga awtoridad sa Dubai kaugnay nang sinapit ni Trasadas na may dalawang anak na edad na walo at labing-isa. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.