OFW NA PEKE ANG DOCS ‘DI ‘PINALIPAD’

Commissioner-Jaime-Morente

PAMPANGA- NAU-LOT ang pag-alis ng isang Overseas Contract Workers (OFW) makaraang mabisto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na peke ang kanyang pagkakilanlan.

Pasakay na sa kanyang Qatar Airways flight QR 931 sa Clark International Airport (CIA) nang ma-intercept ng mga tauhan ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) may departure area ng CIA.

Ayon kay Morente hindi muna ibinunyag ang pagkakilanlan ng biktima bilang pagsunod sa Anti-Trafficking laws, upang mapangalagaan ang kanyang seguridad.

Ang biktimaay taga-Cotabato at ipinadala ng kanyang recuiters bilang isang household workers sa Doha, Qatar.

Nagpanggap na 27-anyos ang kanyang edad ngunit nang sumailalim sa secondary inspection inamin nito na 24 years lamang siya, taliwas sa kanyang naunang naging pahayag upang makalusot sa mga kinauukulan.

Agad naman ito dinala sa opisina ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), upang dumaan sa masusing imbestigasyon at makatulong sa pagsampa ng kaso laban sa kanyang recuiters. FROILAN MORALLOS

70 thoughts on “OFW NA PEKE ANG DOCS ‘DI ‘PINALIPAD’”

Comments are closed.