KOWLOON – INALIS na sa quarantine ang isa sa dalawang overseas Filipino workers (OFWs) makaraang matiyak na negatibo ito sa novel coronavirus (nCoV) o mas kilala sa tawag na Wuhan virus.
Ayon sa HK Health Ministry officials, nakalabas na ang OFW sa quarantine at nabigyan na nila ng clearance to leave subalit pinayuhang huwag na munang magtungo sa tahanan ng kanyang mga amo.
Upang patuloy namang ma-monitor ito, ibinigay ni Consulate General Raly Tejeda ang kanilang hotline number sa Pinay domestic helper sakaling kailanganin ito.
Ang OFW ay isinailalim sa quarantine makaraang ma-expose ito sa kanyang mga amo na positibo sa virus.
Habang isa pang Filipina domestic worker ang inoobserbahan sa quarantine camp makaraang ikonsidera ito na ‘contact’ o nakasalamuha sa kanyang mga amo na nCoV-positive.
Batay sa pag-aaral ng mga eksperto, 14-araw dapat i-quarantine ang isang ‘contact’ o nakasalamuha ng nCoV positive para matiyak na kung nahawaan ito dahil sa nasabing haba ng panahon maaaring mag-activate ang virus. EUNICE C.
Comments are closed.