OFW NA SANGKOT SA HUMAN TRAFFICKING HULI

Jaime Morente

PASAY CITY – PINIGIL ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang overseas Filipino worker (OFW) na biktima ng human trafficking at illegal recruiters na nag-o-operate sa mga paliparan.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang sinasabing OFW ay papuntang United Arab Emirates nang ma-intercept ng immigration officer dahil sa isinumiteng fake clearance galing sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Nadiskubre rin ng mga taga-BI na gumagamit itong sindikato ng pekeng stamp at signatures ng POEA personnel na naka-assign sa airport upang maniwala ang mga ito na orihinal ang mga papeles.

Napag-alaman na pasakay na ang OFW sa eroplano papuntang  Dubai noong Linggo nang harangin ng mga tauhan ng BI’s travel control and enforcement unit (TCEU) sa NAIA terminal 3.

Makaraang tanungin ng Immigration Officer kung dumaan sa validation ang kanyang overseas employment certificate (OEC), ngunit sa halip na iprisenta lumabas muna ito, at nagtungo sa kanyang handler, na siyang nagtatak ng OEC.

Ayon sa biktima pinayuhan siya na mag-check in sa airline at magkunyaring isang tourist, pagkatapos pumila sa immigration lane par sa mga OFW, at iprisenta ang kanyang mga dokumento na ibinigay ng sindikato. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.