OFW NA TINAKOT NG AMO SA SAUDI NAKAUWI NA

ofw

BALIK-BANSA na ang overseas Filipino worker na nagsumbong na tinatakot siya ng kanyang amo sa Saudi Arabia.

Pinangunahan ni ACTS-OFW partylist Representative John Bertiz III ang pagpapauwi kay Reynalyne Constantino, isang kasambahay sa nasabing bansa.

“January 23 pa lang, nasa custody na si Reynalyne ng Al Mashhoury (foreign recruitment agency) para ma-process na ang kanyang exit clearance, pero kinuha ulit siya ng kanyang employer para magtrabaho,” ayon kay Bertiz.

Sinabi pa ng mambabatas na kanilang iko-coordinate  ang recruitment agency ni Constantino para muling makapagtrabaho.

Sa record, tatlong buwan pa lang na nagtatrabaho sa Jeddah,  Saudi Arabia si Constantino,  43-anyos,  taga-Laguna subalit agad nagpasaklolo nang takutin umanong papatayin ng kanyang among si Maryam Awadh Ai Nofayej.

Agad namang tinugon ng kanyang ahensiya ang hiling ni Constantino. EUNICE C.

Comments are closed.