BULACAN-ARESTADO ang 38-anyos na wanted matapos silbihan ng Warrant of Arrest (WOA) ng mga awtoridad sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).
Kinilala ang akusado na si Tomas Peralta III, OFW, may-asawa, tubong Cagayan De Oro at residente ng Brgy.Bagbag, Novaliches, Quezon City.
Sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, isinilbi ang warrant bandang alas-2:35 ng hapon nitong Hulyo 19 sa Brgy. Buayang Bato, Mandaluyong City.
Nabatid na ang WOA sa kasong Parricide ay inisyu ni Hon. Lyn L. Llmasares-Gonzales, Prisiding Judge of Regional Trial Court, Branch 78, Malolos City nitong Hulyo 7, 2023 at walang inirekomendang piyansa.
Kasalakuyang nakakulong ang akusado sa custodial facility ng SJDM police station para sa kaukulang dokumentasyon. THONY ARCENAL