MAKATI CITY – MALUNGKOT ang Pasko ng kaanak ng isang overseas Filipino worker (OFW) nang masawi ito sa kalunos-lunos na pamamaraan habang nasa bansa.
Ito ay nang maipit ng dalawang pampasaherong bus sa Makati City noong Sabado.
Kinilala ang biktima na si Luis Oracion, residente ng Quezon City.
Batay sa imbestigasyon ng Southern Police District (SPD), pasakay si Oracion ng bus sa bahagi ng EDSA Guadalupe northbound lane.
Subalit may dumating pang isang bus kaya naipit ito hanggang masawi.
Samantala, nasa kustodiya na ng pulisya ang dalawang drayber ng bus para imbestigahan ang aksidente. ROSE LARA
Comments are closed.