OFW NAMATAY SA BRAIN CANCER

SAUDI ARABIA

SAUDI ARABIA – BRAIN cancer ang ikinasawi ng isang overseas Filipino worker na una nang nagreklamo na minaltrato ng kanyang amo sa bansang ito.

Si Sabina Gipa ay namatay noong Hunyo 8 at batay sa death certificate, ang sanhi ng kamatayan nito ay brain cancer.

Sinasabing sa halip na mabigyan ng treatment, nagtiyaga ang OFW sa tulong ng kapuwa migrant worker na nagpainom sa kanya ng pa­racetamol dahil sa matinding sakit ng ulo.

Bago ito namatay, naireklamo niya ang kanyang amo na siya’y inaabuso at laging masakit ang ulo.

Sinabi naman ng mister nito na si Walter na ipinagbigay-alam noon ni Gipa ang kanyang ka­lagayan sa kanyang recruiter makaraang malaman ang umano’y abuso at pananakit ng ulo.

Sa video noong May 22, nakita ang nanghihinang si Gipa at inireklamo ang sinapit sa kanyang amo gayundin ang sakit na nararanasan nito.

Tiniyak naman ng recruitment agency  na tutulungan nila ang naulila ni Gipa habang nanindigan na wala silang natanggap na ulat na inabuso ang nasawing OFW.    PMRT

5 thoughts on “OFW NAMATAY SA BRAIN CANCER”

  1. I wanted to put you one very little word just to say thank you over again over the spectacular ideas you’ve provided at this time. It was certainly surprisingly open-handed of people like you to present freely all many individuals would’ve sold for an e-book to help with making some cash for themselves, specifically seeing that you might have tried it in case you wanted. These concepts as well acted to be a great way to realize that most people have similar dream the same as my very own to learn somewhat more in regard to this matter. I am sure there are some more enjoyable opportunities ahead for individuals who read carefully your blog post.

Comments are closed.