OFW NASA TROUBLE SA PAGTULONG SA KABABAYANG MINAMALTRATO

ofw-2

KUWAIT – NAHAHARAP sa kaso ang isang overseas Filipino worker (OFW) makaraang tulungan ang mga kababayang domestic helper  na umano’y minamaltrato ng kanyang amo sa bansang ito.

Ang Pinoy na isang taxi driver ay sinabihang lumabag sa batas ng Kuwait nang saklolohan ang mga kababayang nagplanong takasan ang kanilang mga amo.

Ayon kay Chargé d’Affaires Mohammad Noordin Lomondot, kasong kidnapping ang posibleng kaharapin ng Pinoy taxi driver.

Gayunman, tiniyak ni Lomondot na kanilang aayudahan sa legal ang Pinoy.

Sinasabing ginamit ng Pinoy ang kaniyang Facebook account para tulungan ang mga domestic helper na makaalis sa pinasukan ng mga ito.

Nabasa sa FB ng Filipino taxi driver na isang OFW ang nagsabi na sunduin nito ang isa sa nais na tumakas na DH.

Giit naman ng Pinoy taxi driver na walang masama sa kanyang ginawa dahil tumulong lamang siya sa kababayan.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Office of the Domestic Welfare Affairs ang Pinoy. EUNICE C.

Comments are closed.