SAUDI ARABIA –TIGIB ang pasasalamat ng isang mister sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) dahil natulungan ang kaniyang misis na overseas Filipino worker (OFW) sa Jeddah na makauwi sa Filipinas.
Sa reklamo ng OFW, hindi aniya maganda ang trato sa kanya sa tinutuluyang bahay sa Jeddah.
Gusto nang makauwi ng Pinay dito dahil nahihirapan na siya dahil 24 kata ang pinagsisilbihan niya.
Paliwanag ng kanyang asawa, may nauna siyang amo ngunit nang dumating ang dating katulong ay umano’y pinalayas at napunta sa pangalawang amo.
Dito na nahirapan ang Pinay dahil wala pang day-off at sa hatinggabi lamang nakapagpapahinga hanggang sa alas-7:00 ng umaga.
Samantala, siniguro naman ng recruitment agency ng Pinay na tutulungan ang Pinay na makauwi sa Filipinas. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.