PINAG-IINGAT ng Bureau of Immigration (BI) ang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa illegal recruitments upang maiwasan maging biktima sa illegal aktibidades ng grupong ito.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang human trafficking ay nananatiling banta sa mga Pilipino na nagnanais makipagsapalaran sa ibang bansa dahil sa naglipanang illegal recruiters na patuloy na nambibiktima sa mga ito.
Aniya, ang human trafficking ay kinokonsidera na isang estilo ng “modern day of slavery” dahil karamihan sa mga biktima ay tumatanggap ng tinatawag na unacceptable conditions bunsod sa mga pangakong gaganda ang buhay kapag nasa abroard.
Dagdag pa nito, ang pagtatrabaho ng ilegal sa ibang bansa ay may kaakibat na pang-aabuso o pagmamalupit ng kanilang mga employer.
Matatandaan noong nakaraang taon, umabot sa 688 ang bilang ng mga OFW na nabiktima ng human trafficking at illegal recruitment sa bansa at 13,680 passengers ang nahulihan ng improper documentation.
Nabatid na kadalasan sa mga biktima ay binibigyan ng fake documents upang makalabas at makapagtrabaho sa kabila ng hindi nakakasigurong kalagayan habang nasa abroad.
Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga OFW na nagnanais magtrabaho sa labas ng bansa na makipag-deal sa mga legitimate recruitment agency o duly accredited ng pamahalaan. FROILAN MORALLOS