OFW PINAIIWAS SA MITIGA INTERNATIONAL AIRPORT

Mitiga International Airport

LIBYA – NAGPAALALA ang Philippine Embassy to Libya sa mga Filipino na mahilig magbiyahe at iwasan ang dumaan sa Mitiga International Airport.

Ito ay bunsod ng mga rocket attack sa lugar.

Kaya naman mahigpit na pinag-iingat ang mga biyahero mula at patungong Mitiga International Airport.

Ayon kay Charge D’ Affairs Elmer Cato, mapanganib ngayon ang pagbiyahe sa naturang paliparan.

Ang Mitiga Airport ang tanging paliparan na operational sa Tripoli kasunod ng apat na buwang kaguluhan doon. EUNICE C.

Comments are closed.