APRUBADO na sa House Committee on Workers Affairs ang panukalang batas na layong limitahan ang singil at magka-loob ng discount sa remittance fees ng overseas Filipino workers (OFWs).
Sa ipinasang House Bill 826 o Overseas Filipino Workers Remittance Protection Act na iniakda ni Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., inaatasan ang mga financial at non-bank financial intermediaries na awtomatikong magpataw ng 50 porsiyentong dis-count sa service fee sa money remittances anuman ang halaga nito.
Nakasaad din sa panukala na maaaring i-claim ng mga financial at non-bank institution ang diskuwentong ibinigay sa OFW re-mittances bilang kaltas sa buwis dahil ituturing itong mahalagang gastusin na ibabawas sa kanilang kabuuang kita sa isang taon.
Hindi naman dapat lalagpas sa P24,000 kada OFW ang ibabawas sa gross income ng mga establisimiyento na discounts sa re-mittance fees sa bawat taxable year.
Ipinagbabawal din ang biglang pagtataas sa remittance charges sa lahat ng mga financial at non-bank intermediaries lalo na kung ito ay hindi dumaan sa konsultasyon sa Department of Finance (DOF), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at Philippine Overseas Employment Administration (POEA). CONDE BATAC
Comments are closed.