OFW RENEWAL CENTER, INILUNSAD SA MALL 

SANHI ng mataas na demand, inilunsad kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang passport appointment para  sa mga aktibong overseas Filipino wor­kers (OFWs) sa isang shopping mall sa Metro Manila sa pamamagitan ng Online Appointment System ng website ng naturang ahensiya.

Matatagpuan ito sa unang palapag ng Lingkod Pinoy Center Robinsons Galleria West Lane Edsa panulukan ng  Ortigas Avenue, Quezon City.

Ang inilunsad na passport OFW renewal center ng DFA ay bunsod ng mataas na demand ng mga kumukuha ng passport lalo na nitong pandemic.

Sa  pamamagitan ito ng Online Appointment System ng kanilang website www.passport.gov.ph.

Para sa mga passport applicants na magpapa-appointment ay kinakailangang magpakita ng ilang mga katunayang  dokumento na lehitimo sila  tulad ng  balidong  Working Visa o Re-entry Visa,  para ito sa mga land-based OFW; sa mga seafarer naman ay  Valid Seaman’s Book  na  may  arrival stamped na hindi hihigit 364 na araw  mula sa petsa ng application; Valid Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) E-card; Latest OEC (Overseas Employment Certificate) receipt at Latest OFW Information Sheet ng  POEA (Philippine Overseas Employment Administration).

Mag-o-online sila ng appointment sa pamamagitan ng www.passport.gov.ph at pipi­liin nila ang site na DFA NCR CENTRAL (ROBINSONS GALLERIA – ACTIVE OFW LANE).

Para sa mga passport applicant na hindi qualified sa active OFWs  ay dapat mag-book  ng appointment sa ibang sites.

Kung hindi sila qualified at  hindi kum­pleto  ang appli­cation ay hindi i-a-acommodate  at  forfeited ang kanilang magiging bayad. LIZA SORIANO

184 thoughts on “OFW RENEWAL CENTER, INILUNSAD SA MALL ”

  1. 529089 649038Hey mate, .This was an outstanding post for such a hard topic to talk about. I appear forward to seeing many a lot more superb posts like this one. Thanks 258961

Comments are closed.