EGYPT – PINAALALAHANAN ng Philippine government ang mga Pinoy na nakabase sa bansang ito kasunod ng bomb attack na naganap sa Giza.
Ang insidente ay pumatay sa dalawang Vietnamese tourists.
Sa pahayag ng interior ministry, maliban sa bilang ng mga nasawi, nag-iwan din ang insidente ng 12 sugatan kung saan 10 rito ay mga Vietnamese, habang Egyptians naman ang dalawa.
Sumabog umano ang homemade device dakong alas-6:15 ng gabi roon na inilagay umano sa Mariyutiya Street sa Haram district na malapit sa Giza Pyramids.
Kaagad na ipinadala sa lugar ang mga kasapi ng security services upang siyasatin ang pangyayari. PILIPINO Mirror Reportorial
Comments are closed.