ATHENS-KABILANG sa 331 katao na tinamaan ng coronavirus disease (COVID 19) sa Greece ang isang Filipino worker.
Isang manggagawang Pinoy ang naging ika-15 kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Macau. Sa Athens, Greece, isang Filipino rin ang nagpositibo sa kumakalat na virus.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakitaan ng mild symptoms ang Pinoy at isinailalim sa home quarantine,” ayon sa DFA.
Tiniyak ng DFA na maigting ang pakikipag-ugnayan nila sa lokal na pamahalaan sa Greece para matanggap ng pasyente ang “maximum care and support.”
Samantala, sa Macau News, sinabing 31-anyos na lalaki ang pasyenteng Pinoy na nagtatrabaho sa isang hotel restaurant.
Enero 26 nang huli umano itong magtrabaho at umuwi ng Pilipinas kinabukasan.
Noong Marso 16, bumiyahe na siya ng Hong Kong na kalapit lang ng Macau.
Ayon sa mga health official, nagkaroon ng toothache at rash ng tatlong araw ang pasiyente at nagpaggamot sa Kiang Wu Hospital, kung saan itinuring siyang “medium-risk” noong Marso 17, ayon sa ulat.
Matapos ang diagnosis para sa viral nucleic acid testing, bumalik siya sa kaniyang tinutuluyan.
Ipinadala ang kaniyang throat swab sample sa Public Health Laboratory of the Health Bureau (SSM) para sa testing at doon nalaman na positibo siya sa virus na nagdudulot ng COVID-19.
Nakaratay ang Pinoy sa Conde S. Januário Hospital. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM