HALOS lahat ng galing sa Middle East na overseas Filipino workers (OFWs) ay natulungan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) OFWs’ Desk sa mga international airport.
Ayon kay TESDA Deputy Director General for Partnerships and Linkages Rebecca J. Calzado, umaabot na sa 1,478 OFWs ang natulungan ng ahensiya, kung saan 332 sa mga ito ay galing sa Middle East base sa mga TESDA OFWs’ Desk (TOD) accomplishment reports mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Ang mga natulungang OFW ay galing sa 33 bansa at karamihan ay mula sa Saudi Arabia, Bahrain, Jordan, Kuwait, Lebanon, Qatar, at United Arab Emirates (UEA).
Iniutos ng TESDA ang paglalagay ng mga TOD sa Clark International Airport (CIA), Ninoy Aquino International Airport (NAIA Terminal 1, 2 at 3), Mactan Cebu International Airport (MCIA) at Davao-Francisco Bangoy International Airport (DFBIA) bilang bahagi ng hangarin at complimentary intervention ng ahensiya para suportahan ang reintegration program ng gobyerno para sa mga pinauuwi at nawawalan ng trabaho na mga OFW.
Ang top 5 skills training preferences ng mga OFW ay mula sa sector ng Tourism, General Infrastructure, Land Transportation, Metals and Engineering at Information and Communication Technology at ang iba pa ay Automotive, Health Care Services, Heating, Ventilation, Airconditioning and Refregeration (HVAC), Language and Culture, Processed Food and Beverages at Semi-Conductor and Electronics.
Ang mga humihingi ng skills training ay inire-refer sa TESDA region na sumasakop kung saan nakatira ang umuwing OFW at binibigyan ng Certificate of Scholarship Commitment at isasailalim sila sa Training for Work Scholarship Program (TWSP) at Special Training for Employment Program (STEP). Ang scholarship benefits sa ilalim ng TWSP ay libreng skills training at assessment habang sa STEP, libreng skills training, assessment, entrepreneurship training, starter toolkits at allowance. BENJARDIE REYES
Comments are closed.