OFW SA SAUDI NAKALIGTAS SA PARUSANG KAMATAYAN

Foreign Secretary Teodoro Locsin

ISANG Overseas Filipino Worker (OFW)  ang nailigtas ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa parusang kamatayan makaraang mapawalang  sala sa kasong pagpatay sa  Riyadh, Saudi Arabia.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na ang pagkakaabsuwelto ni Rose Policarpio sa nasabing kaso ay magsilbing  isang pani-bagong yugto ng kanyang buhay.

Labis naman ang pasasalamat ni Policarpio sa kalihim at sa naturang ahensiya dahil sa pagsuporta at mga ayudang ibinigay dito  para mapawalang sala sa kasong pagpatay at  mailagtas  mula sa parusang kamatayan.

“Hindi po nagpabaya ang gobyerno”, pahayag ni Policarpio.

Si Policarpio ay inakusahan ng kasong pagpatay  hanggang sa nakulong ito ng anim na taon at  hinatulan ito ng parusang kamatayan.

Matatandaan na noong 2013, tatlong hindi kilalang kalalakihan ang  pumasok sa loob ng bahay ng employer ni Policarpio.

Tinangkang halayin si Policario ng mga suspek, ngunit nanlaban ito at  pinatay ng mga ito  ang among Lebanese.

Ngunit nang dumating sa pinangyarihan ang Saudi police, ang tanging  naabutan  nila ay si Policarpio at ang nasawing amo  kung kaya’t pinagbin-tangan na siya ang pumatay.

Dahil dito, humingi ng tulong si Policarpio sa pamahalaan ng Pilipinas at sa isinagawang imbestigasyon, napatunayang inonsente ang Pinay worker. LIZA SORIANO

Comments are closed.