OFW SA SAUDI NATAGPUANG PATAY, MAY TAMA NG SAKSAK SA KATAWAN

ISANG  overseas Filipino worker ( OFW) ang nasawi sa Saudi Arabia.

Ito ang kinumpirma ng Department of MIgrant Workers (DMW).

Ang OFW na si Marjorette Garcia ay nagtrabaho sa Saudi mula 2021 bilang domestic worker.

Unang napaulat na si Garcia ay natagpuang walang buhay sa loob ng bahay ng kanyang amo na may tama ng saksak sa katawan.

Ang kanilang Migrant Workers Office sa Al-Khobar at ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)m gayundin ang Philippine Embassy ay nakikipag-ugnayan na sa mga awtoridad sa kanilang imbestigasyon.

Inaayos na rin ng pamahalaan ang pag-uwi sa mga labi ni Garcia.

Kaugnay nito ay nagpaabot ang DMW ng pakikiramay sa mga naulila ng OFW.

Ang 32-anyos na si Garcia ay tubong Pangasinan.
Setyembre 15 pa nang huling nakausap ng kaniyang mga kaanak dito sa Pilipinas ang OFW. LIZA SORIANO