OFW SA SWITZERLAND SINABIHAN VS KILOS PROTESTA

SWITZERLAND

BERN – ILANG opisyal ng gobyerno ng ­Filipinas ang sinabihan ang  Filipino community sa Switzerland na umano’y nakiisa sa isinagawang kilos protesta sa Bern hinggil sa gender equality pay sa pagitan ng mga lalaki at babaeng empleyado.

Isang overseas Filipino worker na tubong Magsingal, Ilocos Sur ngunit nakatira na sa Switzerland at nagtatrabaho bilang sales-lady, ang nagpahayag na gusto nila na patas ang sahod katulad ng natatanggap ng mga lalaking katrabaho.

Kuwento nito na noong unang magtrabaho sa kompanya ay nakaranas siya ng diskriminasyon ngunit hindi naman siya inaabuso o sinasaktan.

Dagdag pa ng nasabing Pinay na kung ikukumpara sa mga kilos protesta sa ibang bansa, ang kilos protesta sa Switzerland ay hindi masyadong magulo dahil hindi naman agresibo ang mga nagpoprotesta.

Sa ngayon, umaasa ang Pinay kasama ng ma­rami pang kababaihan sa Switzerland na sa lalong madaling panahon ay maisabatas na ang panukala hinggil sa gender equality pay. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.