PASAY CITY – INIIMBESTIGAHAN pa rin ng awtoridad ang pagkamatay ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa Riyadh, Saudi Arabia.
Sa ulat, sinaksak ng kaniyang kababayan ang hindi pinangalanang OFW na kaniyang housemate sa nasabing bansa.
Binabantayan naman ng DFA ang pag-iimbestiga sa suspek na isa ring Filipino.
“The DFA is closely coordinating with authorities in Saudi Arabia who are investigating the death of a Filipino worker allegedly in the hands of a fellow Filipino in Riyadh on Monday,” ayon sa statement ng DFA.
Batay sa police report, sinaksak ng Pinoy ang kababayang mula sa Pampanga hanggang mamatay ang huli.
Wala namang detalye kung ano ang sanhi ng pag-atake ng suspek sa biktima. AIMEE ANOC
Comments are closed.