OFW SINAKSAK NG KABABAYAN SA SAUDI ARABIA

BLOODY KNIFE

PASAY CITY – ISANG Filipino ang patay matapos saksakin ng kanyang kasamahan sa trabaho na Pinoy rin sa Jeddah, Saudi Arabia.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) base sa report mula sa Philippine Consulate sa Jeddah, ang biktima ay 29-anyos na lalaki mula sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao na nagtatrabaho bilang family driver.

Sinabi ni Consul General Edgar Badajos na sinaksak ang biktima ng kapuwa Pinoy na nagtatrabaho rin bilang driver sa parehong pamilya.

Bago ang pananaksak, nagsuntukan muna umano ang dalawa sa harapan ng bahay ng kanilang employer.

Agad namang inaresto at ikinulong ng Saudi police ang 34-anyos na suspek na tubong Capiz.

Tiniyak naman ni Badajos na ibibigay ng Consulate General at ng Philippine Overseas Labor Office sa Jeddah ang full assistance sa dalawang Pinoy at sa kani-kanilang pamilya.          EUNICE C.

Comments are closed.