OFW SINAMANTALA ANG PAG-RENEW NG PASAPORTE, TUMAKAS SA AMO

PH PASSPORT

SAUDI ARABIA – NAKASILIP ng pagkakataon ang isa umanong minaltratong overseas Filipino worker (OFW) para takasan ang aniya’y malupit na amo sa Taif.

Nagpaalam ang domestic helper sa kanyang amo na magpapa-renew ng kanyang passport subalit dumiretso ito sa Philippine labor office upang ipaalam ang kanyang kondisyon.

Inihatid pa ng kanyang among babae ang Pinay subalit pagdating sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Jeddah  ay nagmakaawa na ito na maiiwan sa nasabing tanggapan.

Inamin nito na nakararanas siya ng tangkang sexual molestation mula sa among lalaki at dalawang anak na lalaki ng kanyang amo.

Sinabi ng Pinay kay ssistant Labor Attache Germie Daytoc, na ginagawa ang tangkang molestiya kapag hindi nakatingin ang among babae.

May pagkakataon din na pinasok siya ng anak ng among lalaki sa bathroom habang naglilinis at tinangkang gahasain.

Humingi na rin siya ng tulong sa agency na kanyang pinasukan subalit nabigo kaya naman nang mapaso ang pasaporte saka nagkaroon ng pagkakataon para makaalis sa kanyang mga amo. AIMEE ANOC

Comments are closed.