NAGPAALALA ang United Nations (UN) sa buong mundo gayundin sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na ma-layo sa kanilang pamilya na mag-ingat dahil sa matinding init sa malaking bahagi ng karagatan sa buong mundo.
Ito ay kasunod ng pag-aaral ng World Meteorological Organization (WMO) na mas lumala ang ocean heat sa nakalipas na apat na taon.
Ayon sa WMO, umabot na ang init sa hanggang 700-meters ng karagatan mula sa seabed nito noong 2018.
Itinuturing na record high ang datos dahil taong 1955 pa umano nang maitala ang huling ocean heat na umabot sa naturang lebel ng dagat.
Sinabi ni UN Secretary General Antonio Guterres, dapat pag-ingatan ng mga migrants ang klima na may malaking epekto sa ka-lusugan.
Ipinaliwanag naman ni Dan Ramirez, head ng Communication and Media unit ng World Wildlife Fund for Nature Philippines ang pagkakaugnay nito sa climate change.
Ayon sa mga pag-aaral, greenhouse gases na mula sa sinusunog na fossil fuels ang dahilan ng ocean heat.
Pinakaapektado nito ang pangingitlog ng mga isda sa dagat at corals na tinitirhan ng mga ito. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.