OFWs BINALAAN SA SALO-SALO SA DAEGU CITY

Daegu City

SOUTH KOREA – UPANG makaiwas sa Coronavirus disease (COVID 19), pinagbawalan ang mga manggagawa sa Daegu City, South Korea na magharap-harap na kumain.

Inihayag ng isang overseas Filipino worker sa Daegu City, South Korea at tubong Isabela, nangangamba sila sa mabilis na pagkalat ng virus sa nasabing lugar .

Ito ay makaraang umabot na sa 5,000 ang kinapitan ng COVID-19 at mahigit 30 na ang namatay sa Daegu City.

Ang ipinagpapasalamat na lamang nilang mga OFW at iba pang mga manggagawa ay suportado sila ng kanilang employer sa ngayon.

Lagi aniya silang binibigyan ng mask at sanitizer.

Pinapaalalahanan din silang laging maghugas ng kamay at maligo araw-araw.

Kapag kumakain aniya silang mga manggagawa ay hindi maaaring mag­harap-harap upang makaiwas sa virus. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.