TUMAAS ang bilang ng mga nagpapabakuna kontra polio at kumukuha ng vaccination certificate sa Bureau of Quarantine.
Ito ay matapos madagdagan at sumampa na sa 19 ang bilang ng mga bansang humihingi ng polio vaccination certificate mula sa mga biyaherong nagmumula naman sa mga bansang may naitalang kaso ng naturang sakit tulad ng Filipinas.
Ayon kay Director Ferdinand Salcedo ng Bureau of Quarantine, kapuna-puna ang pagdagsa ng overseas Filipino workers na nagpapabakuna laban sa polio sa kanilang tanggapan.
Partikular aniya ang mga magtatrabaho at magtutungo sa mga bansang Brunei, Georgia, Maldives, Morocco, Oman, Qatar, Lebanon, Pakistan, Seychelles at Indonesia.
Sinabi ni Salcedo, libre ang ibinibigay nilang bakuna kontra polio pero may bayad ang pagkuha ng vaccination certificate. DWIZ882
Comments are closed.