OFWs DAPAT MAGPASURI NG KALUSUGAN

Checkup

PASAY CITY – HINIMOK ni Senador  Bong Go ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na magpa-check up para matiyak na hindi sila apektado ng HIV-AIDS.

Ang panawagan ay ginawa ni Go sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga OFW na nahahawa ng AIDS.

Ayon sa senador, walang dapat ipag-alala ang mga OFW dahil mananatili namang confidential ang pagpapasuri at maging ang resulta kung ito ang pumipigil sa mga manggagawang Pinoy.

Kaugnay nito, ipinaalala ng mambabatas ang pinirmahang Philippine HIV and AIDS policy act ni Pangulong Rodrigo Duterte para mas mapabuti ang pagtugon sa dumadaming kaso ng naturang sakit sa pamamagitan ng mas pinalakas na alyansa ng pribadong sektor, government agencies, media at iba pang sektor

Bukod sa mga OFW patuloy rin sa pagtaas ang bilang ng mga Pinoy na nahahawa sa naturang sakit. VICKY CERVALES

Comments are closed.