OFWs ‘DI MAAAPEKTUHAN NG TRAVEL BAN SA TAIWAN

Labor Secretary Silvestre Bello III

PINAWI ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pangamba na ang pagpapatupad ng  temporary travel ban sa Taiwan ay may hindi magandang epekto sa overseas Filipino workers  (OFWs).

Kumpiyansa rin si Bello na kaagad  na  aalisin ng pamahalaan ang naturang travel ban, na ipinatupad dahil sa banta ng COVID-19.

Mahigpit na  nakikipag-ugnayan sa Department of Health (DOH)  si Bello hinggil sa isyu.

Nakapagpadala na rin umano siya ng request na alisin na ang ban sa mga papaalis na manggagawa.

“For those who are affected by the travel ban in Taiwan, we ask for your patience and in a few days, there will be a review. While waiting for the lifting of the ban, we are providing financial assistance,” ani Bello.

Tiniyak pa ng labor chief na ang mga miyembro ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na apektado ng ban ay makakatanggap ng P10,000 financial assistance, gayundin ng accommodation, food at transportation assistance.

Umaapela rin siya ng pang-unawa sa mga apektadong OFW at hiniling na maghintay pa sila ng tatlo hanggang limang araw. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.