OFWS DUMAGSA SA NAIA PARA MAKAUWI

NAIA

DAHIL sa kawalan ng mga domestic sweeper flights patungo sa mga probinsiya, tambak o nagsisiksikan ang mga OFW sa NAIA terminal 2.

Ang pila ay mula sa paakyat hanggang sa taas ng lobby ng terminal, at maging sa check in counters.

Ayon sa impormasyon, ang mga OFW na ito ay pinapayagang maka-uwi sa kanilang mga probinsiya,matapos lumabas ang kanilang mga negative swab test ng Department of Health.

Ngunit sa kasalukuyang ay nagkakaroon ng problema ang mga ito, dahil una walang pang eskedyul ang domestic flight ng mga airline companies makaraang sumailalim ang Metro Manila ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) dulot ng Covid-19.

Dumagsa ang mga ito sa NAIA terminal dahil dito nila makukuha ang kanilang mga PCR test certificate na magpapatunay na clear sila sa Covid 19, at Isa-isang  tatawagin ang bawat pangalan.

Ayon sa pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) kahit pa maging negative ay  hindi pa rin makakaalis ang mga libong OFW sa NAIA dahil  wala pang go signal ang IATF sa mga domestic flight.

Bukod sa walang kasiguraduhan na flight, hindi na rin sinusunod ang health protocol sa physical distancing na tila walang pakialam ang bawat isa sa problema ng COVID-19. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.