OFWs GAWING INSTRUCTOR UPANG MAIBSAN ANG KAWALAN NG TRABAHO

Rep Jocelyn Tulfo

PINAKUKUHA bilang instructor ang mga professional at highly-skilled OFW na uuwi ng bansa bunsod ng epekto ng COVID-19 pandemic.

Inirekomenda ito ni ACT-CIS party-list Rep. Jocely Tulfo sa DepEd, TESDA at CHED upang maibsan ang kawalan ng trabaho at kita ng mga nagsiuwiang OFW.

Sinabi ni Tulfo na ang mga seafarer,  chef, cook at house keeping staff ay maaaring i-hire kahit contract of service o job order instructor sa maritime colleges, training centers at senior high schools.

Samantala, ang mga OFW na specialists at subject matter expert ay maaari namang kunin ng mga BPO company.

Sakali namang hindi kalakihan ang suweldo na maibibigay ng mga institusyon ay maaari aniyang magtulong ang Department of Labor and Employment (DOLE) at and Department of Finance (DOF) upang madagdagan ito sa pamamagitan ng cash at non-cash aid.    CONDE BATAC

Comments are closed.