HINDI kuntento ang mga Pilipino at iba pang dayuhang domestic workers sa Hong Kong sa ibinigay na dagdag-sahod at food allowance.
Insulto umano sa mga foreign domestic workers mula sa Pilipinas, Nepal, Sri Lanka at Indonesia ang inaprubahang dagdag na 100 Hong Kong dollars na buwanang sahod at 23 dollars sa food allowance.
Dahil dito, ipagpapatuloy nila ang pakikipaglaban para sa tamang dagdag na sahod at allowance.
Samantala, ilang overseas Filipino workers naman ang nagpasalamat dahil kahit papaano ay makatutulong pa rin ang wage increase at dagdag food allowance sa kanila.
DWIZ 882