MAHIGPIT ang bilin ng Department of Foreign Affairs at maging ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga migranteng Pinoy na nakabase sa Hong Kong na iwasan muna ang maglalabas at mamasyal dahil biglang sumusulpot ang nagkikilos-protesta na nauuwi sa riot.
Dahil sa mga insidente ng kaliwa’t kanang kilos protesta sa nasabing Chinese territory bunsod pa rin ng kinokondenang extradition bill, maraming establisimiyento ang nagsara.
Nagpasya ang mga negosyante na magsara dahil nangangamba sila sa posibleng pag-atake ng mga nagpoprotesta.
Sa ulat, humahalo na rin sa panggugulo ang tinaguriang mga miyembro ng Hong Kong triad na may mga bitbit na sticks at inaatake ang mga nagra-rally kung saan maging ang ordinaryong sibilyan ay nadadamay.
Dahil dito, inabisuhan na rin ng embahada ng Filipinas ang mga employer na higpitan ang kanilang mga kasambahay at mga trabahador ng dobleng pag-iingat upang makaiwas sa disgrasya. EUNICE C.
Comments are closed.