OFWS ISALBA SA MGA SCAM, GOBYERNO PINAGLALATAG NG MGA OPORTUNIDAD NA PAGKAKAKITAAN

SEN IMEE MARCOS-5

DAPAT maglatag ang pamahalaan ng iba’t ibang oportunidad na pagkakakitaan ng overseas Filipino workers (OFWs) para hindi malustay lang ang kanilang inipon at inutang na pera sa gobyerno sa mga bogus o pekeng investment

Ayon kay  Senadora  Imee Marcos,  chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, kulang ang mga job opportunity sa mga website ng gobyerno, sa gitna ng patuloy na pag-uwi ng mga OFW sa kani-kanilang probinsya dahil sa COVID-19 pandemic.

“Para maisalba ang mga OFW mula sa mga investment scam, kailangang may irerekomenda ang pamahalaan na iba’t ibang oportunidad na puwede nilang pagkakitaan. Nagsiuwi sila sa malalayong mga probinsya na kanil-ang iniwanan dahil unang-una kaunti lang ang kanilang puwedeng pasukang trabaho o pagkakakitaan,” sabi ni Marcos.

Hinimok  ni Marcos ang gobyerno na gumawa ng data base kung saan makapipili ang mga OFW ng mga posi-bleng business partner o mga kapwa investor sa  local micro, small and medium enterprises (MSMEs) na may na-mantinang magandang track record at handang palawakin ang kanilang negosyo.

“ Nabibiktima ang OFWs ng mga scammer o mga manggagantso dahil sa kawalan nila ng kaalamang pampi-nansiyal. Ang pinakamalungkot na katotohanan ay kadalasang mga pinagkakatiwalaan pa nilang mga kamag-anak, kaibigan at iba pa ang nanloloko sa kanila at nakikinabang sa kanilang mga pinaghirapang pera. Hindi lahat ng OFWs ay handa para magtayo ng kanilang mga negosyo at hindi rin handang maging biglaang negosyante,” dagdag pa ni Marcos.

“Mas magiging kapaki-pakinabang ang mga programang pautang ng gobyerno kung magiging mag-partner sa negosyo ang mga OFW at mga akreditadong MSMEs. Sa tandem nila, kapwa may mas malaking tsansang kumita at makarekober sa pinansiyal mula sa epekto ng pandemya ng COVID-19,” dagdag ni Marcos.

Bunsod ng pangamba ng kagutuman dahil sa pandemya, Ibinida ni Marcos ang “malaking oportunidad sa agrikultura” kung saan karamihan sa mga OFW na galing sa mga liblib na probinsya ay sanay sa pagsasaka at pagtatanim.

“Dapat gawing mas maingat, maayos at may sistema ang ating transition at repatriation. Andaming istorya ng mga masisipag nating OFW na nalustay lang ang mga pinaghirapang pera sa loob ng maraming taon dahil napunta sa mga maling investment,” ani Marcos.

Ipinanukala rin ni Marcos na doblehin ang kasalukuyang credit assistance na ibinibigay sa mga OFW bago pa man sila umalis para magtrabaho sa ibang bansa, mula P50,000 ay gawing P100,000.

“Makatutulong nang malaki ang “pre-departure loan” sa pamilya ng ating mga OFW sa kanilang pang-araw-araw na gastusin at mga emergency, habang naghihintay ng padala mula sa katas ng hanapbuhay ng kanilang mahal sa buhay,” dagdag pa ni Marcos.             VICKY CERVALES

2 thoughts on “OFWS ISALBA SA MGA SCAM, GOBYERNO PINAGLALATAG NG MGA OPORTUNIDAD NA PAGKAKAKITAAN”

  1. 718092 967992Hello, I think your blog might be having browser compatibility issues. When I look at your blog site in Firefox, it looks fine but when opening in Internet Explorer, it has some overlapping. I just wanted to give you a quick heads up! Other then that, excellent blog! 450391

Leave a Reply

Your email address will not be published.