PASAY CITY- TINIYAK ng mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipino na nabiktima sa pagyanig sa Turkey noong Biyernes.
Sa mga pinagsamang record ng Turkish agencies and authorities, naitala ang magnitude-6.8 earthquake sa nasabing bansa.
Natunton ang epicenter sa Elazig, may layong 754 kilometers mula Ankara at 1,197 kilometer mula sa Istanbul kung saan maraming Filipino ang naninirahan.
Una nang inihayag ni Philippine Ambassador to Ankara Raul Hernandez na maraming gusali ang gumuho malapit sa Elasiq na sentro ng pagyanig habang naramdaman din ang pag-uga sa karatig bansa.
Kasunod ng lindol ang sunod-sunod na aftershocks. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.