WELLINGTON – INAASAHAN na maaapektuhan ang mga overseas Filipino worker (OFW) at iba pang banyagang manggagawa na nakabase sa New Zealand.
Ito ay dahil sa pinahigpit ng pamahalaang New Zealand ang kanilang work rules at pag-iisyu ng working visa.
Layunin ng bagong polisiya ay upang mas piliin ng mga kompanya ang mga local people o kanilang kababayan upang madagdagan ang employment rate.
Habang plano rin ng NZ government na i-maximize ang kanilang work force sa mga region at hindi lang sa iisang lugar.
“The proposed new scheme would ramp up oversight of employers planning to hire migrants on temporary work visas, including checks to ensure no New Zealander could do the job instead,” ayon sa isang statement.
Sinabi naman ni Immigration Minister Iain Lees-Galloway na isa sa layunin ng paghihigpit sa pag-iisyu ng work visa ay dapat match ang mga job order.
“Overall, the proposals will ensure that access to work visas is better matched to where there are genuine and high skill needs, and that the system provides more incentives and support for businesses to employ more New Zealanders,” ayon kay Lees-Galloway.
Tatanggap naman ang NZ government ng mga suhestiyon sa mga maaapektuhang negosyo sa kanila. EUNICE C.