JERUSALEM – BINIGYAN ng babala ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino na nasa Israel na huwag makisali sa protesta at pinag-iingat dahil sa inaasahang pagsiklab ng protesta roon.
Ito ay nang buksan ang embahada ng Estados Unidos na inilipat sa Jerusalem mula sa Tel Aviv.
Unang naglatag ng matinding seguridad ang Israeli para sa nasabing kaganapan.
Libo-libong mga pulis ang ipinakalat na nagsilbing human wall.
Kasunod ito ng pagpapadala ni US President Donald Trump sa magaganap na reception para sa U.S. delegation ang presidential daughter na si Ivanka, ang kanyang tumatayong senior adviser at son-in-law na si Jared Kushner, gayundin ang Secretary of Treasury Steven Mnuchin.
Kinumpirma naman ng Israeli foreign ministry na umaabot sa 86 na foreign ambassadors to Israel ang inimbitahan sa opening ceremony.
Nasa 40 sa mga ito ang tinanggap na ang imbitasyon.
Kabilang sa mga ito ang nagmula sa apat na European countries tulad ng Austria, the Czech Republic, Romania, at Hun-gary. PMRT
Comments are closed.